1035Aussicht
3Bewertung

Dalawang suspect, naaresto para sa pambugbog sa isang autistic na batang lalake: #Justice For Aaron. Isang video nan a-upload sa Facebook ang naging viral itong buwan – sa video ay makikitang binubugbog ng isang lalake ang 16-year-old autistic boy na si Aaron Hill, mula sa Okeechobee, Florida. Ang attacker ay nakilala na bilang si Andrew Wheeler, 18 years old. Isang police report ng insidente ang nagsasabi tungkol sa mga pangyayaring nakunan sa video. Si Hill ay inimbita ng isang kaibigan sa isang party sa bahay ni Evadean Lydecker. Si Lydecker, na nakasuhan ng contributing to the delinquency of a minor, ang bumili ng alak mula sa isang local convenience store, para sa kanyang anak at mga kaibigan nito – kabilang na rito si Hill. Sinabi ni Hill sa pulis na uminom siya ng dalawang basong Lord Calvert whiskey at nahiga hanggang sa naging maayos ang kanyang pakiramdam. Nagising siya nang nasabihan siya na kailangan niyang magpunta sa labas para makita ang isang taong gusto siyang makaaway. Bumalik si Hill sa loob ng bahay para mahiga sa sahig ng kusina, at hindi pumayag na umalis ng bahay para makipag-away. Ayon naman kay Wheeler, may tumawag sa kanyang babae, tungkol sa isang lasing na lalaking ayaw umalis mula sa bahay ng babae. Pagdating ni Wheeler sa party, nasabihan siya na may sinuntok na dalawang babae si Hill…sinabi rin ni Wheeler sa pulis na sinubukan siyang suntukin ni Hill. Ang video ay nai-record sa cellphone mismo ni Hill, at na-upload sa Facebook, na nagresulta sa isang internet-wide manhunt para sa suspect. Pero ayon kay Hill, ay hindi doon nagtapos ang violence. Habang nasa labas si Hill at si Wheeler, patuloy na sinuntok ni Wheeler sa mukha si Hill, habang nanood lamang ang ibang mga tao. Sinabi ni Hill sa pulis na tinutukan siya ni Wheeler ng kutsilyo sa leeg, at sinabihan siyang umalis. Natagpuan ni Officer Ryan Holroyd si Hill sa kasada, 12:30 ng umaga, nang rumispondi siya sa isang tawag mula kay Amber Quates, na nakitang walang malay si Hill sa gitna ng kalsada, dalawang block mula sa party. Si Wheeler ay nakakulong sa Okeechobee County Jail, at hindi pa binabayaran ng kanyang pamilya ang 20,000-dollar bond, dahil nag-aalala sila para sa kaligtasan ni Wheeler, sakaling malakaya siya at hindi na nababantayan ng mga pulis. For news that's fun and never boring, visit our channel: http://www.youtube.com/user/TomoNewsPH Subscribe to stay updated on all the top stories: http://www.youtube.com/subscription_center?add_user=TomoNewsPH Stay connected with us here: https://www.facebook.com/TomoNewsPH